Isinagawa ngayong araw ang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2023 sa bayan ng Alcantara, Romblon na pinangunahan ng Civil Defense MIMAROPA, katuwang ang Disaster Risk Reduction and Management Office ng Alcantara at ng Provincial Gov’t ng Romblon.
Sa nasabing drill ay kunwari may tumama na malakas na lindol kaninang alas-9 ng umaga dahilan upang mag “dock, cover and hold” ang mga estudyante at guro hanggang sa dumating ang rescue team ng mga MDRRMC para iligtas ang mga nasugatan.
Layunin ng drill na mas masanay ang gobyerno at publiko kung ano ang gagawin kung sakaling tumama ang malakas na lindol sa kanilang lugar.
Maliban sa drill, nagkaroon rin ng briefing ang OCD sa mga MDRRMO ng probinsya patungkol sa madalas na nararamdaman na lindol sa Tablas island.