Nagkaloob ng libreng mga kagamitan ang Department of Agriculture Mimaropa sa isang grupo ng mga kababaihan sa Odiongan, Romblon na nagsasaka ng mga high value crops kagaya ng mga gulay.
Ayon kay Christian Mesuelo, ng DA Mimaropa, ang grupong Progreso Este Womens Association o PEWA ay nakatanggap ng Pump Irrigation System Open Source (PISOS) equipment mula sa High Value Crop Development Program (HVCDP) ng kanilang ahensya.
Nagkakahalaga umano ang proyekto ng P100,000. Ang mga kagamitan ay may kasamang makina, tankge, at pipes ng tubig.
Pormal na itong ipinagkaloob sa PEWA nitong Lunes, May 8, kung saan masayang tinanggap ng grupo ang kanilang mga bagong kagamitan.
Maliban sa PEWA, may isa ring grupo ng mga magsasaka sa bayan ng Romblon, Romblon ang nakatanggap rin ng parehong kagamitan mula sa ahensya.