Kamakailan ay nakatanggap ng mga kagamitang pandagat ang 8 fisherfolk association sa bayan ng Cajidiocan, Romblon na benepisyaryo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) Program.
Ang mga livelihood kits na ito ay binubuo ng 135 ng tuna handline, 35 sets ng multiple hook and line, 80 pcs diving masks at snorkel, 80 sets ng life vests, 18 sets handled radio, at 15 unit professional waterproof multi-functional aluminum compass.
Ang mga mangingisda ng Cajidiocan ay ilan lamang sa mga benepisyaryo ng BFAR SAAD Phase 2 na inilunsad sa Romblon ngayong taon.
Samantala, apat ring asosasyon ng mga mangingisda sa bayan ng Santa Fe, Romblon ang nakatanggap rin ng mga kagamitang pandagat kagaya ng drift gill nets mula sa bureau bilang bahagi ng Capture Fishing Livelihood Project ng ahensya.
Ang mga mangingisda na ito ay natukoy sa pamamagitan ng sa munisipyo bilang isa sa mga higit na nangangailangan ng intervention ng BFAR SAAD para mas lumago ang kanilang mga livelihood capabilities.