Nagkaloob ng mga pantanim na gulay ang Department of Agriculture- MIMAROPA – Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program sa mga magsasaka na miyembro ng Bonga Farmers and Fisherfolks Association sa bayan ng Santa Maria, Romblon ngayong araw.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Santa Maria na katuwang ng DA-SAAD, 450 kilo ng luya at 1,500 kilo ng ube ang ibinigay ng DA-SAAD sa mga magsasaka.
Bahagi palamang ito ng mga ikakaloob ng ahensya para sa rootcrops products sa bayan.
INaasahang may dadating ring iba pang planting materials at equipment kagaya ng sweet potato, cassava, at grass cutters.
Sinabi ni Engr. Ramil Fabon ng LGU Santa Maria na ang mga magiging produkto ng grupo ay posibleng gawan ng programa ng LGU at ng Agricultural Marketing and Agribusiness Division ng DA- MIMAROPA para di umano mas maging holistic ang paglalabas ng mga produkto sa merkado.