May handog na iba’t ibang programa sa mga Romblomanon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) – Romblon ngayong national Information and Communications Technology (NICT) Month 2023.
Sa ginanap na Kapihan sa PIA Romblon nitong ika-5 ng Hunyo, sinabi ni Marevic Mulleda ng DICT Romblon, na ang mga isinalang nilang programa ngayong buong buwan ng Hunyo ay lubos na makakatulong sa mga Romblomanon na mas mahasa pa ang kanilang mga skills pagdating sa Information Technology.
“Magkakaroon po kami ng photogpraphy contest at designing. Magsasagawa rin kami ng trainings, productivity tools kagaya ng Microsoft Office at Canva,” pahayag nito.
Aniya nakikita ng kanilang ahensya na maraming estudyante at mga nagtapos ang marunong ngunit kulang lang sa training para mas mahasa pa ang kanilang alam para makakuha ng mga freelance na trabaho.
Maaring buksan ang Facebook Page ng DICT Romblon para sa ibang detalye ng mga programa ngayong ICT Month 2023: https://www.facebook.com/DICTRomblon.