Aabot sa 1,500 na mga estudyante mula sa iba’t ibang elementary school sa bayan ng Calatrava, Romblon ang nakatanggap ngayong Martes, June 6, ng education cash assistance mula sa opisina ni Senator Bong Go.
Sa panayam ng PIA Romblon kay Calatrava Mayor Marieta Fabella Babera, ibinahagi nito na aabot sa P3-million pesos ang inilaan ni Senator Go para sa mga estudyante ng bayan. Idinaan ito sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakatanggap ang mga estudyante ng tig P2,000 na magagamit nila pambili ng kanilang mga gamit sa schools kagaya ng lapis, papel, ballpen, at iba pa.
Lubos ang pasasalamat ng alkalde kay Senator Bong Go dahil sa ibinigay nitong tulong para sa kanilang bayan. Aniya, nakakatuwa na ang bayan ng Calatrava ang napili ng Senador para sa kanyang mga proyekto kagaya na umano ng education assistance at ang pagtatayo ng Super Health Center.
Maliban kay Senator Go ay nagbigay rin ang opisina ni Senator Sherwin Gatchalian para naman sa 50 estudyante ng bayan.