Magkasunod na namahagi ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa lalawigan ng Romblon ng iba’t ibang toolkits para sa mga iskolars na nag-aral ng iba’t ibang kurso sa kanila nitong nakalipas na mga buwan.
Sa bayan ng Magdiwang, Romblon, aabot sa 50 graduate ng Special Training for Employment Program (STEP) scholarship program ang nabigyan ng mga kagamitang pansaka, at kiluhan.
Pinangunahan ni TESDA Romblon Provincial Director Amir Ampao ang pamamahagi noong May 1 kasabay sa pagdiriwang ng 121st Labor Day sa buong bansa.
Sa bayan naman ng Santa Fe ay mga miyembro ng ATI tribe sa Barangay Pandan ang nakatanggap ng toolkits sa parehong ahensya matapos makapagtapos sila sa Pastry Making course noong December 2021 sa ilalim ng Romblon National Institute of Technology.
Sinabi ni Engr. Ampao sa mga nakatanggap ng toolkits na gamitin ang mga ito at ang kanilang natutunan sa paggawa ng sariling mga negosyo.