Nasa 192,500 na indbidwal na ang naapektuhan ng oil spill sa 249 na barangay sa mga lalawigan ng Oriental Mindoro, Palawan, Antique at Batangas, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD).
Ayon s datus ng OCD, nasa 24,500 mangingisda sa mga coastal areas ang naapektuhan ang kabuhayan.
Matatandaan na lumubog ang MT Princess Empress noong Pebrero 28 ng kasalukuyang taon, kung saan hanggang sa kasalukuyan ay nadarama pa rin ang epekto nito.
Una nang inanunsyo ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor ang pagpapairal ng fishing ban at pagbabawal ng anumang aktibidad sa mga karagatan sa mga apektadong bayan sa naturang lalawigan dahil sa masamang epekto sa kalusugan ng naturang oil spill.
Kamakailan ay inalis na ng gobernador ang naturang patakaran sa pitong bayan sa lalawigan sang-ayon na rin sa rekomendasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang tulungan ang mga ito na muling makabangon pagkatapos ang ilang buwan na pagkaka-tengga.
Subalit, mayroon pa ring mga bayan na hindi pa rin pinahihintulutan ang pangignisda dahil ayon sa mga eksperto ay nananatiling mataas pa rin ang oil spill content sa mga katubigan dito.
Tinataya namang nasa P886 milyong ang mawawala sa sektor ng turismo sa naturang lalawigan sa loob ng sunod na anim na buwan kung patuloy pa rin na paiiralin ang pagbabwal sa mga pantubig na atkibidad sa mga bayan na ang pangunahing pinagkakakitaan ay turismo at iba pang mga karatig na lugar. (JJGS/PIA MIMAROPA)