Hindi pinaburan ng Sangguniang Panlalawigan ng Romblon ang ipinasang ordinansa ng Sangguniang Bayan ng Odiongan na nagbabawal sa mga supermarket o mall na magtayo malapit sa Odiongan Public Market.
Ang nasabing ordinansa ay ipinadala sa Sangguniang Panlalawigan para sa kanilang review ngunit hindi ito inaprubahan at ibinalik sa Sangguniang Bayan.
Inanunsyo ito ni Odiongan Vice Mayor Diven Dimaala sa ginanap na session ng Sangguniang Bayan ng Odiongan nitong Martes, May 9.
Dahil sa nasabing desisyon, matutuloy na ang plano ng DiviMart na magtayo ng kanilang branch sa labas ng Odiongan Public Market maging ang ilang supermarket establishments na planong magtayo sa mga lupa sa loob ng Poblacion.