Ang pagkasira ng isa sa mga manhole ng headrace pipe ng Cantingas Mini Hydro Powerplant ang itinuturong dahilan kung bakit lumubog ang tubig sa Cantingas River biyernes ng hapon.
Kumalat sa social media ang mga larawan ng sikat na Cantingas River ngunit kulay tsokolate ang tubig rito.
Ayon kay Engr. Rene Fajilagutan, General Manager ng Romblon Electric Cooperative (ROMELCO), naisaayos naman agad ang nasirang manhole at agad na naibalik ang operasyon ng hydro powerplant Biyernes ng gabi.
Sa hiwalay na anunsyo naman ng pamahalaang lokal ng San Fernando, lumalabas na ang pagkasira ng manhole ay dahil sa malakas na pressure ng tubig kasunod ng pagbaha at pag-uulan sa bundok nitong nakalipas na mga araw.
Bukas parin umano sa publiko ang Cantingas River matapos na manumbalik na ang malinis na tubig na dumadaloy rito.