Tuloy-tuloy ang ginagawang pagpapalapad ng Department of Public Works and Highways sa mga kalsada sa circumferential road ng bayan ng Corcuera sa Simara Island, Romblon.
Ayon kay Corcuera Mayor Elmer Fruelda, sagot ito sa matagal ng minimithi ng mga residente ng isla na mas mapalapad ang kanilang mga kalsada na noon ay isang linya lamang at napakakitid para sa mga kotse.
Ilan sa mga proyektong patuloy na pinapagawa ng DPWH ay ang Yoong-Labnig Road at ang pinalawak na kalsada sa Barangay Tacasan.
Maliban rito, may proyekto rin ang DPWH sa isla na makakatulong sa edukasyon ng mga estudyante sa lugar.
Nasa 70% na ang completion rate ng ipinapagawang 2-Clasroom Unit ng Department of Public Works and Highways sa Barangay Alegria sa bayan ng Corcuera, Romlon.
Ayon kay Mayor Elmer Fruelda ng Corcuera, inaasahang sa susunod na buwan ay matatapos at maiturn-over na sa Alegria Elementary School ang nasabing proyekto. Binisita ang nasabing proyekto ng mga kawani ng DPWH Romblon kamakailan kasama ang alkalde.