Tumama ang isang magnitude 4.8 na lindol pasado 8:40 ng umaga, May 20, sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 12KM South West ng Odiongan, Romblon.
Naramdaman ito hanggang Aklan at Antique ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Batay sa unang taya ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Odiongan, nakitaan ng pinsala ang ilang gusali sa Odiongan South Central Elementary School.
May naiulat ring pinsala sa loob ng campus ng Romblon State University.
Patuloy na nag-iikot ang lokal na pamahalaan para mag-asses ng damages sa bayan.
Samantala, tatlong mahihinang lindol pa ang naitala bandang 8:49 ng umaga, 9:06 ng umaga, at 9:18 ng umaga sa pareho ring bayan.