Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs sa Magnitude 3.1 mula sa Magnitude 2.4 ang naitalang lindol sa Romblon kahapon.
Ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 9km southwest ng bayan ng Odiongan, Romblon bandang alas-4 ng hpaon.
Naramdaman ang Intensity IV ng lindol sa bayan ng Odiongan at Ferrol habang Intensity III sa bayan ng Looc. Intensity I naman ang naitala sa bayan ng Santa Fe Romblon.
Kasabay ng lindol kahapon ay nagsilabasan ang mga empleyado ng Odiongan Town Hall matapos makaramdam ng pagyanig ng lupa. Pinauwi rin sila agad kalaunan.
Nagsagawa rin agad ng inspeksyon ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga imprastraktura sa bayan.
Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang damages at aftershocks ang nasabing pagyanig.