Umarangkada na nitong May 2 ang kampanya para mabakunahan ang mga bata sa Odiongan kontra sa mag sakit na Polio, Rubella, at Tigdas.
Ang Odiongan ang napili sa paglulunsad ng “Chikiting Ligtas” Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity Campaign 2023 para sa buong probinsya. Ang kampanya ay inaasahang ilulunsad rin sa iba pang bayan sa lalawigan.
Ang mga batang may edad 0 hanggang 59 na buwan ay puwedeng magpabakuna laban sa mga nabanggit na sakit.
Para naman maaliw ang mga bata at ma-enganyo ang mga magulang na mabakunahan ang kanilang chikiting, mayroong libreng ice-cream, pagkain, at services tulad ng Lab test freebies galing sa Provincial Health Office na pinamumunuan ni Dr. Lino Viola III, na mga vitamins, mosquito nets, at Dental service na pinamumunuan ni Dr. Maria Teresa Tirol.
May mga ibinigay rin ang Municipal Nutrition Office na mga nutripacks sa mga batang edad 6-59 months, gatas, at mga bitamina.
Sa Odiongan, target na mabakunahan ang aabot sa 3,331 na mga bata sa buong bayan kontra sa mga nabanggit na sakit.