Natupok ng apoy kaninang madaling araw ang halos 400 years old na pastoral building ng Katedral de San Jose sa bayan ng Romblon, Romblon.
Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-2 nang magsimula ang sunog at mag-aalas 4 ng umaga idineklarang fire out.
Hirap sa pagpatay ng apoy ang mga bombero dahil gawa sa light material ang kalakhang bahagi ng gusali.
Walang namang nasawi na tao sa sunog maliban sa mga asong inaalagaan sa lugar. Na trap ang mga ito sa nasusunog na gusali.
Patuloy na iniimbestigahan ng Romblon Fire Station ang insidente para matukoy kung saan nagsimula ang apoy at kung magkano ang pinsala nito.