Nagkaroon na ng ground breaking ceremony ang KALAHI-CIDDS o ang Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services sa bayan ng Looc, Romblon kamakailan para sa itatayong evacuation centers sa anim na barangay sa bayan.
Ayon kay Municipal Area Coordinator Neil Fopalan, ang mga Barangay ng Balatucan, Buenavista, Camandag, Guinhaya-an, Limon Sur at Tuguis ang napiling lagyan ng mga nasabing evacuation center katulong ang lokal na pamahalaan.
Dahil sa nasabing proyekto, ang lahat na ng barangay sa bayan ng Looc ay magkakaroon na ng kanya-kanyang evacuation centers na mahalaga sa oras ng sakuna.
Ang groundbreaking ceremony ay sinaksihan nini Mayor Lisette M. Arboleda kasama si Vice Mayor Bong Osorio, mga Sangguniang Bayan members, mga opisyal ng Barangay, KALAHI-CIDSS A/MCT Staff, Community Volunteers at mga Stakeholders.