Sa isang panayam kay Department of Science and Technology Renato Solidum ng PIA Romblon kasunod ng magnitude 4.8 na lindol na tumama sa Odiongan, Romblon nitong umaga ng Sabado, sinabi nito na dapat ihanda ng publiko ang kanilang sarili sa aftershocks at siguraduhing hindi magpa-panic.
Aniya, bagama’t sa kasaysayan ng lugar na tumama ang unang lindol kaninang umaga ay hindi pa nagkakaroon ng mas malakas na lindol, hindi umano inaalis ang posibilidad na magkaroon pa ng mas malakas sa susunod.
“Usually naman, hindi yan inaalis ‘yung posiblity. Kapag may mga maliliit [na lindol] ganun lang mararamdaman niyo, pero siyempre, bilang precaution, kailangan niyo ring paghandaan na posibleng may malakas pa,” pahayag ni Sec. Solidum.
Para masigurong handa umano sa ganitong lindol, dapat alam ng publiko ang tamang earthquake responce katulad ng dock, cover, and hold, at ang pagpunta samga ligtas na lugar matapos ang malakas na lindol.
Ang naitalang lindol kaninang umaga ay nasundan pa ng pito (7) na aftershocks na may lakas mula magnitude 2.6 hanggang magnitude 3.9.