Aabot sa 491 na residente ng Magdiwang, Romblon ang tumanggap kamakailan ng kanilang sahod mula sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment.
Tumanggap ang bawat isa ng P5,325 para sa 15 araw na trabaho sa lokal na pamahalaan at o may kabuoang sahod na aabot sa P2,614,575. Nagtrabaho ang mga ito sa iba’t ibang barangay sa bayan kung saan naglinis sila ng mga public areas, nagsagawa ng ilang disaster prevention projects, at iba pa.
Ang programa ay collaboration ng DOLE kasama ang Local Government Unit ng Magdiwang at ang kanilang Public Employment Service Office.
Sa nasabing payout, nagpasalamat si Magdiwang Mayor Arthur Rey Tansiongco sa DOLE sa tuloy-tuloy na binibigay na tulong nito sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng programang TUPAD.
Pinasalamatan rin nito ang mga benepisyaryo ng TUPAD sa paglilinis sa kanilang bayan.