Ibinida ng pamunuan ng Social Security System (SSS) sa Romblon na buo parin ang tiwala ng mga Pilipino sa kanilang ahensya sa kabila ng mga fake news na kumakalat sa social media. Ayon kay SSS Romblon Acting Head Maria Ammie Candelaria, isang daang porsyonto na stable ang kanilang ahensya.
Katunayan umano nito, nitong Marso ay umabot na sa 20,589 ang kabuoang bilang ng mga miyembro ng SSS sa buong probinsya ng Romblon.
Sa bialng na ito, 7,429 ang self-employed habang 7,234 naman ang employed sa mga pribadong kompanya. Voluntary naman ang paghulog na may 5,926 na mga miyembro ng ahensya rito sa lalawigan.
Batay sa kanilang datus, umaabot na sa mahigit P25-million ang kanilang nakolektang contribution para sa unang tatlong buwan ng taon, di hamak na mas mataas sa kaparehong buwan noong nakaraang taon na nakapagtala lamang ng P21.19-million.
Samantala, ibinahagi rin ng SSS na mayroong P7.39-million pesos na kailangang singilin ang SSS sa mga pribadong kompanya sa lalawigan na hindi nakapagbigay ng tamang kontribusyon para sa kanilang mga empleyado.