Nagpaabot na ng kahilingan sa mga lokal na lokal na pamahalaan sa probinsya ng Romblon ang mga mangingisda sa probinsya ng Oriental Mindoro na apektado ng oil para payagang makapangisda sa lalawigan.
Sa flag raising ceremony ngayong umaga sa bayan ng San Agustin, sinabi ni Mayor Denon Madrona na makikipag-usap pa sila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa mga apektadong mangingisda kaugnay sa kanilang kahilingan.
Maalalang inatasan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang DILG na makipag-usap sa mga LGU na gagawing alternatibong pangisdaan ng mga residenteng naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa pagkalat ng langis sa Oriental Mindoro.
Kabilang sa mga alternative fishing grounds ay ang Mindoro Strait sa Mindoro Oriental, Cuyo Pass sa Batangas, Tablas Strait sa Romblon, at Tayabas Bay sa Quezon.