Abot hanggang Romblon ang pagyanig ng lupa na dala ng Magnitude 5.5 na lindol na tumama sa Calintaan, Occidental Mindoro nitong alas-12 ng hatinggabi ng Sabado.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 16km NW ng Calintaan.
Naramdaman rin ang lindol hanggang Oriental Mindoro, Batangas, Metro Manila, at ilan pang karatig na probinsya.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Phivolcs, asahan ang aftershocks.