Pumirma kamakailan sa isang kasunduan ang mga opisyal ng Romblon Electric Cooperative Inc. at ang College of Engineering and Technology ng Romblon State University para sa pag-aaral ng mga lugar na may potensiyal na source ng renewable energy sa isla ng Sibuyan.
Dumalo sa paglagda sa kasunduan ni ROMELCO General Manager Engr. Rene Fajilagutan at mga Engineer ng pamantasan.
Ayon sa ROMELCO, ang pagtatayo ng renewable energy source sa Sibuyan ay proyekto nila para mapanatili at mapreserba ang mga likas na yaman ng probinsya para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.
Nagsagawa na rin ng inisyal na pagpaplano ang dalawang partido kaugnay sa nasabing proyekto.