Ipatutupad na ng bayan ng San Jose, Romblon ang ordinansang magpapataw ng taripa sa mga binebentang isda sa bayan kabilang na ang mga isdang ibinebenta sa Public Market.
Batay sa ordinansa, ang mga fisherfolks ay dapat ibenta ang kanilang mga isda kung fourth class sa P60 kada kilo, third class sa P80 kada kilo, second class sa P125 kada kilo at P160 kada kilo para sa first class.
Sa pelengke naman ay dapat ibenta ang fourth class sa P100 kada kilo, P120 kada kilo sa second class, P160 kada kilo sa third class, at P200 hanggang P220 kada kilo kung first class.
Nakadepende naman sa mga nagbebenta ang presyo ng mga isdang pasok sa special class na kategorya.
Narito ang listahan ng mga klase ng isda na inilabas ng lokal na pamahalaan:
Nakasaad rin sa ordinansa na ang mga ibinebentang isda sa barangay ay dapat bigyan ng taripa ng barangay local government unit pero dapat hindi sosobra sa taripa na ipinapataw ng LGU.
Pagbabawalan naman mag-export ng mga ibebentang isda mula sa munisipyo ang mga mangingisdang hindi mag-iiwan ng 150-200 kilo ng isda sa Public Market.
Ang mga fish vendors na lalabag sa nasabing ordinansa ay posibleng maharap sa multang P2,500 at isang buwang pagkakakulong.