Pinagpapaliwanag ng Philippine Ports Authority Batangas ang kompanyang Altai Philippines Mining Corp. (APMC) na nagsasagawa ng exploration sa Sibuyan Island dahil sa pagtatayo ng pantalan sa isla kahit walang permit.
Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni PPA Batangas Port Manager Joselito Sinocruz na wala pa silang naaprubahang permit ng Altai bagama’t nag apply sila noong January 25.
Sinabi ni Sinocruz na maaring patawan ng P100,000 na multa ang kompanya dahil sa paglabag na ito base sa patakaran ng PPA.
Nang tanungin kung puwede bang gamitin ng kompanya ang itinayong pantalan, sinabi ni Sinocruz na puwede basta magbabayad ng multa.
Ngayong Lunes ay ika-14 araw nang nagbabarikada sa lugar ang mga residente sa isla kontra mina.