Umabot sa 7.47 porsyento ng kabuoang produksyon ng isda sa bansa ang naiambag ng rehiyon ng Mimaropa noong 2022 ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) MIMAROPA kamakailan.
May kabuoang halaga naman na Php4.14 na bilyon ang naging produksyon ng isda sa rehiyon para sa ikatlong quarter (Hulyo-Setyembre) ng taong 2022. Mula sa naturang halaga; nagmula sa probinsya ng Palawan ang pinakamalaking kontribusyon na umabot sa 76.93% o may halagang Php3.19 bilyon.
Sumunod naman ang lalawigan ng Occidental Mindoro na may malaking kontribusyon sa produksyon ng isda sa rehiyon; umabot ito sa 4,179.67 MT o 5.62% na kabuoang produksyon sa rehiyon na may halagang Php 0.43 bilyon.
Pumangatlo naman ang Romblon na may kabuoang produksyon na 1,636.51MT o 2.20% at may katumbas na halaga na Php 0.17 bilyon.
Pang apat ang Oriental Mindoro na may produksyon na 1,579.12MT o 2.12% at may halagang Php 0.22 bilyon.
Panghuli ang Marinduque na mayroong 853.69 MT o 1.155 na produksyon na may halagang Php 0.14 bilyon. (JJGS/PIA-MIMAROPA)