Nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Romblon, Romblon na nagpapaabot kanilang suporta sa kampanya ng mga Sibuyanon kontra sa metallic mining.
Batay sa resolusyon na naipasa noong Biyernes, Februray 3, nakasaad na lubos nilang sinusuportahan ang mga nagbabarikada mula noong nakaraang linggo para lang ipagtanggol ang kanilang isla mula sa epekto ng metallic mining.
Tinatawagan rin nila ang Philippine National Police na ipatupad ang maximum tolerance at “to accord every environmental defenders full respect of their reights and dignity”.
Hiniling rin ng Sangguniang Bayan sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Jose Riano at sa kinatawan ng Romblon sa House of Representatives na si Congressman Eleandro Madrona maging sa mga lokal na pamahalaan ng Magdiwang, Cajidiocan at San Fernando na tumayo sa likod ng mga layunin ng mga tao ng Sibuyan para sa isang ligtas, tahimik, at “ecologically-balance environment”.
Panghuli, hiniling ng Sangguniang Bayan kay Congressman madrona na pangunahan ang posibleng pagrebisa sa Mining Act of 1995.
Samantala, sa privellege speech ni Konsehal Lyndon Molino na nagpanukala rin nasabing resolusyon, sinabi nito na ang Sibuyan Island ay “source of pride” ng mga Romblomanon dahil sa angking yaman nito.
“I would like to appeal to the top leaders of our province to exercise all their powers to prevent the environmental despoliation or degradation of Sibuyan Island. Please do it now otherwise it may be too late and the environmental and social costs will far outweigh the purported economic benefits from this unwelcome mining venture. No and a million times No to mining in Sibuyan!” pahayag pa nito.