Nagsagawa noong Biyernes ng gabi ang Philippine Science High School Mimaropa campus katuwang ang Philippine Astronomical Society Inc. at RSU Company of Educated Learners and Lecturer in Science ng public telescope viewing sa Firmalo Blvd., sa Odiongan, Romblon.
Dito libreng napagmasdan ng publiko ang natatanging ganda ng solar system kung saan natanaw nila gamit ang telescope ang ilang celestial objects gaya ng Buwan.
Layun sana nito na makita ang alignment ng Venus, Jupiter, Mars at ang Buwan ngunit buwan lang ang nakita dahil sa maulap na panahon.
“Actually, ika-tatlong beses na namin ito ginawa pero karamihan ay online at first time palang ngayon na ginawa namin ang public telescope viewing ng face to face. First time siyang gawin outside the campus,” pahayag ni Leogiver Manosca ng Philippine Science High School Mimaropa campus.
“Importance nito is more of scientific literacy at to inspire ‘yung scientific curiosity within them, at ob course, mahikayat sila sa astronomy at sa science,” dagdag pa nito.
Ayon kay Manosca, bahagi ito ng pagdiriwang ng 30th National Astronomy Week.