Sisilipin na ni Secretary Toni Yulo-Loyzaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kinakaharap na problema ng mga residente ng Sibuyan Island.
Sa panayam kay Loyzaga sa Cagayan De Oro, sinabi nito na kanilang titingnan ng mabuti ang issue ng pagmimina sa isla.
Ayon sa Philippine Star, si Loyzaga ay nasa Cagayan De Oro para sa isang multi-stakeholder forum para makapaghanap ng insights patungkol sa ecotourism, agriculture, forest and land management, climate and disaster resilience at mining.
Sinabi nito na tuloy-tuloy ang ginagawang pakikipag-usap ng DENR sa mga stakeholders kabilang ang mga nasa industriya nang pagmimina at ang mga komunidad.
“We’re here to listen and until we can be satisfied that we’ve heard all stakeholders, we cannot achieve a balance in terms of the approach,” pahayag ni DENR Secretary Toni Yulo-Loyzaga sa mga mamahayag.
“Geographically and socially, [things are] different. So these complexities need to be addressed in whatever approach that we will take moving forward,” dagdag pa nito.
Maalalang, patuloy na hinihikayat ng mga residente ng Sibuyan Island ang gobyerno na ipahinto ang pagmimina sa Sibuyan dahil makakaapekto ito mga residente sa isla na kilala bilang Galápagos of Asia.