Mayroon ng bangko na magbibigay serbisyo sa mga mamamayan ng bayan ng Busuanga partikular na sa pag-iimpok ng salapi.
Ito ay ang BDO Network Bank na nagbukas kamakailan at ito rin ang kauna-unahang bangko sa bayan ng Busuanga na matatagpuan sa National Road, Bgy. Salvacion.
Pinangunahan nina Sangguniang Bayan Members John Silver D. Edonga, Ma. Ana D. Mercado, Zandro De Jesus, at BDO Branch Manager Mr. John Paul L. Macmac ang pagbubukas nito.
Ilan pa sa mga serbisyo maibibigay ng nasabing bangko ay ang pagpapa-utang o Loan tulad ng Kabuhayan Loan, Kabayan Loan, at Teachers Loan.
Sa banking services naman ay nariyan ang Cash Management Solution, Remittance, Bills Payment, Business at Personal Banking Online.
Samantala, maaari na ring magdeposito sa nasabing bangko sa pamamagitan ng Saving, Checking, Auto Transfer Account, ATM Deposit Products, Regular Time Deposit at 2-Year Time Deposit.
Nagpasalamat naman ang LGU-Busuanga sa pangunguna ni Mayor Elizabeth Cervantes na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon na rin ng bangko sa Bayan ng Busuanga at magiging bahagi ito ng I’bat-ibang financial transactions ng mga mamamayan ng nasabing bayan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)