Mahigit 500 katao ang nakilahok sa magkahiwalay na concert na isinagawa kamakailan sa bayan ng San Fernando sa Sibuyan Island at sa bayan ng Odiongan sa Tablas Island, Romblon.
Handog ito ng iba’t ibang grupo kontra mina sa pangunguna ng Alliance of Students Against Mining, Romblon Ecumenical Forum Against Mining, OMEGANS, at Hope in a Box Movement.
Nagtanghal sa programa mga local artists ng Tablas at Sibuyan maging ang Musikang Bayan, isang acoustic band na nabuo noong 2002, na pinangungunahan ng Romblomanon na si Danny Fabella.
Maliban sa libreng tugtogan, nagkaroon rin ng awareness seminar patungkol sa ipinaglalaban ng mga nagbabarikada kontra mina sa Sibuyan Island.
Kasama sa nagsalita rin si Rodne Galicha at si Fr. Bert Magabata na nagtanong kung “aanhin pa ang kayamanan kung sira naman ang kalikasang kailangan natin sa pag-iral?”
Sa huli, ipinanawagan ng mga dumalo ang pagbasura sa sa Mineral Production Sharing Agreement ng Altai Philippine Mining Corporation.