Nagkaroon muli ng tensyon sa Barangay España sa San Fernando, Romblon matapos magkagirian muli ang mga kapulisan ng Romblon Police Provincial Office at mga nagbabarikada na anti-mining na residente ng Sibuyan Island.
Sa video ng Alyansa Tigil Mina makikita ang pagtulak ng mga pulis sa mga nakaharang na raliyesta sa naglalakihang mga truck ng Altai Philippines Mining Corp.
Isa sa mga kagawad ng Barangay ang pinusasan rin ng mga pulis ngunit kalaunan ay pinakawalan rin.
Nauna nang sinabi ng Romblon Police Provincial Office na peace ang order lamang ang kanilang pakay kaya sila nagpadala ng halos 80 mga pulis sa lugar mula sa karatig na munisipyo at isla.
Nasa ika-11 araw na ngayon na nagbabariakda ang mga residente ng Sibuyan island, Romblon para pigilan ang tangkang pagtransport ng 50,000 MT na nickel ore mula sa kanilang isla patungong China.