Nag sama-sama ang may sampung (10) grupo ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) mula sa iba’t ibang bayan sa Romblon sa isang dance contest na inorganisa ng Romblon Police Provincial Office kamakailan.
Ang BIDAng KABATAAN Dance Contest ay bahagi ng isinagawang Peacemaker’s Night sa bayan ng Romblon, Romblon kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan sa lugar.
Ipinagkita ng mga kabataan ang kanilang husay sa choreography, talent, at creativity sa kanilang mga entry na sayaw hango sa temang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” at sa tugtog na “Life is Beautiful”.
Sa isang mensahe, sinabi ni Governor Jose Riano na bisita sa patimpalak na maganda ang mga ganitong gawain lalo na para sa mga kabataan para mas maipakita ang pagiging drug-free ng probinsya.
Itinanghal na panalo sa huli ang URBN Romblon mula sa Romblon, Romblon ang nanalo at inaasahang lalaban sa regional level.
Maalalang noong 2021 ay nanalo ang V-Factor Dance Squad ng KKDAT Odiongan sa 2021 National KKDAT Singing Bayanihan Dance Competition.