145 na mangingisda sa bayan ng Santa Maria, Romblon ang nakatanggap ng ayuda mula lokal na pamahalaan nitong Martes.
Ayon kay Engr. Ramel L. Fabon, OIC-Municipal Agriculturist, ang mga mangingisda ay may mga rehistradong bangka sa bayan at benepisyaryo ng Fish Catch Incentive Program ng lokal na pamahalaan.
Dagdag pa ni Fabon, ito ay isa lamang ito sa intervention program para sa mga benepisyaryo ng pagiging rehistrado sa LGU kaya inaanyayahan niya ang lahat ng mga may bangka na magparehistro sa kanila.
“Mahalaga ‘yang narerehistro ang kanilang bangka dahil once registered na si fisherfolk mas madali ma trace kung sakaling may mga sakuna at sila ang unang nabibigyan ng intervention programs ng pamahalaan,” ayon kay Fabon.
Base sa datus ng Municipal Agriculture Office, natapos ang taong 2022 ay may aabot sa 157 na bangka ang nairehistro sa lokal na pamahalaan.