Naibaba na nang kanyang pedestal ang imahe ni Señor Sto. Niño de Romblon ngayong Biyerens, January 13, bilang hudyat ng pagsisimula ng kapistahan ng patron ngayong taon.
Bago ibaba, nagkaroon muna ng novena at misa na pinangunahan ni Bishop Narciso Abellana.
Pagkatapos nito ay iniikot sa plaza ng Poblacion ang imahe kung saan naghihintay ang libo-libong mga deboto ng Señor Sto. Niño de Romblon. Bagama’t maulan, matiyagang naghintay ang mga deboto sa labas ng cathedral at paikot sa Plaza.
Nagkaroon rin ng Pahaplos sa imahe ng Santo ngayong gabi kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga deboto na mahaplos ang kahong salamin ng imahe.
Hindi lang mga Romblomanon ang dumalo sa Tonton, maging ilang mga bisita mula sa iba’t ibang lugar.