Pinayagan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Altai Philippines Mining Corporation na mag labas ng nickel ore mula sa Sibuyan Island, Romblon.
Ayon sa Kalikasan PNE, 50,000 MT ng nickel ore ang puwedeng ilabas sa Sibuyan para ma-test ng mga buyer mula sa ibang bansa.
“DENR has issued a mineral ore export permit and an ore transport permit to Altai Philippines Mining Corp. for their operations in Sibuyan Island, Romblon. The permits allows 50,000 MT of nickel ore to be shipped out of Sibuyan and tested by the overseas buyer,” ayon sa Kalikasan PNE.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Rodne Galicha ng Living Laudato Si’ na nakakuha ng mineral ore export permit (MOEP) at ore transport permit (OTP) ang Altai Philippines Mining Corporation mula sa Mines and Geosciences Bureau.
Samantala, sinabi ni Galicha na kinumpirma sa kanya ni San Fernando Mayor Nanette Tansingco na ipinahinto ng LGU ang ginagawang konstuksyon ng pantalan ng Altai Philippines Mining Corporation sa San Fernando.