Aabot na sa 126,757 na national id cards at EPhilIDs ang naibigay na ng Philippine Statistics Authority sa mga may-ari nito na nagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon sa PSA Romblon, noong January 15 ay aabot na sa 6,480 ang nabigyan ng physical card habang 120,277 naman ang nabigyan ng EPhilID cards o ‘yung mga printed sa coupon na mga IDs.
Ang bilang na ito ay mahigit kalahati na ng 220,857 ng mga Romblomanon na nagparehistro sa PhilSys Step 2 sa 17 munisipyo sa lalawigan.
Ang bilang na 220,857 ay katumbas ng 89.3% na target para sa buong probinsya.