Nagsagawa ng surprise inspection ang Department of Trade and Industry katuwang ang Odiongan Public Market Management sa mga kiluhan sa palengke ng Odiongan nitong Miyerkules, December 7.
Dito nakita ng DTI na may aabot sa 18 na timbangan ang depektibo o di kaya ay sobrang luma na.
Ayon sa tagapagsalita ng DTI Romblon na si Ace Hallegado, ang mga lumang mga timbangan ay kanilang kinumpiska habang ang ilang depektibo naman ay pinauwi nalang at pinagsabihan ng Market Supervisor na papalitan.
Samantala, ang 183 na kiluhan na pumasa sa isinagawang test ng DTI ay nilagyan ng 2022 sticker bilang patunay.
Ang isinagawang inpeksyon ay para masigurong protektado sa pandaraya ng mga timbangan ang mga mamimili lalo na ngayong magpapasko.