Pumirma sa isang manifesto nang pagsuporta sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa bayan ng Odiongan, Romblon nitong ika-2 ng Disyembre.
Isinagawa ang pagpirma sa manifesto pagkatapos ang isinagawang Social Investment Forum ng Department of Social Welfare and Development Field Office (FO) MIMAROPA sa Sato Dizon Hotel.
Nakasaad sa manifesto na susuportahan ng mga ahensya ng gobyerno ang programa maging ang mga benepisyaryo nito hanggang sila ay makapagtapos.
Nagkaroon rin ng pagkakataon sa nasabing forum ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na ibahagi sa mga parent leader ng 4Ps ang mga programa na puwedeng i-offer sa kanila.
Ilan sa mga ahensya pumirma sa manifesto ay ang Philippine Information Agency, Department of Trade and Industry, Department of Health, Department of Labor and Employment, Philippine Health Insurance Corporation, National Commission on Indigenous Peoples, at Department of Agriculture.