Nakumpiska ng mga tauhan ng Alcantara Municipal Police Station nitong weekend ang halos 242 board feet na abandunadong Narra lumber sa Barangay Bonlao.
Ayon sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, nakatanggap ng tip ang kanilang kapulisan sa lugar na merong silang nakitang mga niyagaring puno ng Narra sa nabanggit na Barangay kaya nila ito nirespondehan.
Ang mga nasabat na pinutol na puno ng Narra ay nagkakahalaga ng mahigit P43,000.
Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, ang mga pinutol na kahoy ay dinala lamang sa lugar para sana ikarga sa isang sasakyan ngunit hindi na ito nabalikan.
Ayon sa pulisya, ang pagputol ng puno, nasa pribado o pampublikong lugar man, nang walang kaukulang permiso mula sa DENR ay ipinagbabawal sang-ayon sa Revised Forestry Code of the Philippines.