Inaashaang makakatulong para mas maisulong ang turismo sa probinsya ng Romblon ang gaganaping Miss Earth’s Beachwear Competition.
Sa isang panayam nitong Lunes, sinabi ni Romblon Mayor Gerard Montojo, na malaki ang kanyang pasalamat sa Miss Earth Organization dahil napili nila ang probinsya lalo na ang kanilang bayan para ganapan ng isa sa mga kompetisyon ng international pageant.
“Ma-promote ‘yung Romblon lalo na ‘yung tourism namin. Maging ‘yung aming tourist spots and destinations would be known not only in the Philippines but most likely baka worldwide iyon,” pahayag ng alkalde.
Maliban sa gaganaping Miss Earth’s Beachwear Competition sa November 18, inaasahang bibisita rin sa mga sikat na pasyalan sa probinsya ang mga kandidata kagaya ng Bonbon Beach at Cresta de Gallo.
Dahil sa malaking kaganapan ito para sa bayan, sinabi ni Montojo na nakahanda na nakalatag na ang siguridad para sa mga bisita.
Inaasahang ring may ilang dadayo sa bayan para manood rin ng kompetisyon na ito na inaasahang dadaluhan na mahigit 20 kandidata mula sa iba’t ibang bansa.