Naibalik na kahapon, November 3, ang serbisyo ng kuryente sa lahat ng barangay at sitio sa Romblon, limang araw matapos manalasa ang bagyong Paeng sa bansa.
Ayon sa Tablas Island Electric Cooperative, lahat ng barangay sa Tablas at Carabao Island ay naibalik na ang kuryente matapos ang walang puknat na pagsasaayos na isinagawa araw at gabi ng kanilang mga lineman.
Batay National Electrification Administration, mahigit P900,000 ang naging pinsala sa power lines at mga kagamitan ng TIELCO ng bagyong Paeng habang sa Romblon Electric Cooperative naman ay aabot sa mahigit P860,000 ang halaga ng pinasala.