Naikabit na sa floating platform sa Looc Marine Refuge and Sanctuary ang Eco-Friendly Septic System (Eco-Sep) na pinagkaloob sa lokal na pamahalaan ng Looc ng Department of Science and Technology Mimaropa.
Ang eco-sep ay isang teknolohiya na tutulong para maglinis ng tubig mula sa portalet na inilagay sa floating platform. Dahil sa teknolohiyang ito, masisiguro na ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga turistang bibisa sa sikat na pasyalan sa Romblon dahil may maayos na silang palikuran.
Makakatulong ang paglinis ng tubig sa pag-iingat ng marine life sa lugar at masisiguro ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga turista na bibisita sa sikat na tourism site.
Pinalitan ng eco-sep na ito ang improvised na comfort room sa floating balsa na matagal ng ginagamit sa lugar.