Lumaki sa probinsya ng Romblon ang nanguna sa katatapos lang na October 2022 Fisheries Technologist board exam na si John Rey Fortu Rasgo.
Ang 22 anyos na tubong Santa Fe ay nakakuha ng 86.25% na rating sa pagsusulit na ginanap noong Oktubre 6-7, 2022.
Si Rasgo ay nagtapos bilang valedictorian sa Santa Fe Central Elementary School, at with honors naman sa high school.
Nag-aral siya ng kursong Science in Fisheries sa University of the Philippines Visayas sa Iloilo at nagtapos bilang cum laude.
Sa panayam ng Bicol.ph, sinabi ni Rasgo na naging inspirasyon sa kanya ang ama na nagtuturo ng fisheries sa Romblon State University.
“During harvest, he always accompanied me to the school’s fishpond facilities so that I could assist them in catching the fish. He also took me on fishing expeditions to one of the school’s mariculture facilities. Those are some of my most memorable memories, and they inspired me to become a future marine scientist or a fisheries professional,” pahayag nito.
Sa ngayon ay nagtuturo si Rasgo sa Sorsogon State University kung saan nagawa niyang pagsabayin ang pag-review at pag-tuturo.
“Mahirap po, morning is teaching, evening is lesson plan and power point making so early morning lang po ako nag i-study then sa last 3 weeks, 1-2 hours na lang po ang tulog and everytime may free time ako, nag aaral po,” pahayag ni Rasgo sa Bicol.ph.