Sa mismong barangay hall, kung saan siya pinatuloy matapos ma-stranded sa pantalan ng San Agustin dahil sa bagyong Paeng, nagpatiwakal ang lalaking may depresyon.
Batay sa ulat ng San Agustin Municipal Police Station, bandang alas-5 ng hapon kahapon nang matagpuan ang nakabitin na katawan ng 26 taong gulang na merchandizer na residente ng Sitio Binagong, Brgy. Bagacay, Romblon, Romblon.
Kwento ng kasama nito, nagpaalam lamang umano siya sa kanyang pinsan na lalabas para makakuha ng sariwang hangin ngunit nakaidlip umano ito sa folding bed sa labas at nakatulog. Pagbalik nito sa kwarto ay nakita niya nang nakabitin ang kanyang pinsan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng San Agustin MPS na may nararanasang depresyon ang lalaki dahilan kung bakit ito pinatuloy sa Barangay Hall ng Poblacion.
Dinala na sa punerarya ang labi ng lalaki.
If you or anyone you know needs help, the Department of Health, through the National Center for Mental Health, has a national crisis hotline to assist people with mental health concerns. The hotline can be reached through the following numbers: Cellphone Lines: 0917-899-8727; 0966-351-4518; 0908-639-2672 Toll-free Luzon-wide hotline: 1553