Isinagawa ngayong araw, October 25, sa bayan ng Romblon, Romblon ang kauna-unahang Provincial IP (Indigenous Peaoples) Month Celebration kasabay ng commemoration sa 25 taong pagkakapasa ng Indigenous People’s Rights Act o IPRA Law.
Dinaluhan ang selebrasyon sa Ramon Magsaysay Hall ng mga ATI tribe mula sa Sta. Maria, Sta.. Fe, San Jose, San Andres and Calatrava; Sibuyan Mangyan Tagabukid at Tribu Bantoanon mula Banton, Odiongan, Corcuera, at Concepcion.
Pinangunahan ang aktibidad ng IPMR to the Sangguniang Panlalawigan katuwang ang National Commission on Indigenous Peoples o NCIP.
Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang civic parade na ginawa paikot ng Poblacion, Romblon.
Sinundan naman ng pagkokorona sa itinanghal na Mutda it 25th IPRA Romblon 2022. Ito ang Grade 11 student na si Stacey Natalie P. Flores ng Banton, Romblon.
Bahagi rin ng programa ang pagpapamalas ng mga cultural special number ng mga tribu mula sa iba’t ibang bayan.