Matapos ang dalawang taong sarado tuwing UNDAS dahil sa pandemya, bubuksan nang muli sa publiko ng lokal na pamahalaan ng Odiongan ang mga public cemetery ng bayan.
Kinumpirma ito sa pamamagitan ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic sa pamamagitan ng isang text message sa Romblon News Network nitong Sabado.
Aniya, bukas na ang mga sementeryo sa November 1 at 2.
Pinaghahanadaan na rin umano nila ang UNDAS at inaasahang magsasagawa na ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan kaugnay nito.
Samantala, inaasahang magbubukas na rin sa mga fully vaccinated na indibidwal kontra Covid-19 ang iba pang public cemeteries sa probinsya kagaya ng sa bayan ng Looc.
Pinulong na noong ika-15 ng Oktubre ang lokal na pamahalaan ang mga opisina na tutulong sa paghahanda at sigurdidad sa darating na UNDAS 2022.