Para sa muling pag-aalaala ng ika-125 anibersaryo ng 10 de Octobre and 1 de Noviembre, mga petsa ng malagim na sinapit ng mga rebolusyonaryong Katipunero noong Oktubre 10 at Nobyembre 1 1897 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 400 taong muling pagtatatag ng bayan ng Boac, nag-organisa ang Boac Municipal Council for Local History, Culture and Arts ng tatlong episode na webinar para sa nabanggit na makasaysayang pangyayari na siyang ipinangalan sa kalasada sa harap at likuran ng Casa Real papunta sa Ilog ng Boac at Brgy. San Miguel.
Sa pakikipag-ugnayan ng Marinduque. Marinduque State College at Polytechnic University of the Philippines nagdaos ng webinar kahapon Oktubre 10 at sa darating na Nobyembre 1 samantala magkakaroon ng Boac Culture and History Symposium sa ika-30 ng susunod na buwan bilang pagpapasinaya sa linggo ng ika-400 taong muling pagkakatatag ng bayan ng Boac.
Tampok ang mga papel at saliksik ni dating konsehal Miguel Magalang at pangulo ng Boac Historical Society kasama ang Kabalikat Civic Communicators Association Inc., MSC Sentro ng Wika at Kultura, grupong pang-estudyante ng MSC tulad ng English Society, Communication Society at institute of Arts and Social Sciences Student Organization at ang PUP College of Social Sciences and Development sampu ng Kagawaran ng Kasaysayan nito bilang kaagapay sa paghahandandog ng makabuluhang kaganapan sa pagyabong at pagbabalik-tanaw sa Pueblo de Boak at visita Monserrat de Marinduque.
Para sa episode 1, nagbahagi si G. Gerry Menorca ng Kabalikat Civicom kasama ang kanilang pangulo si Vincent Camo ang kanilang gawaing Torch Parade sa ruta ng Casa Real tungo sa Boac River at Cemeterio de Tampus upang kilalanin ang mga walang ngalang rebolusyunaryo at katipunero kasama sina Kapitan Hermenegildo Flores and Remigio Medina.
Gayundin, kasama ang National Museum Marinduque-Romblon Area museum administrator Ar. Marjonier Malabanan nagbigay ng dagdag sa pagdiriwang ng Museums and Galleries month ngayong Buwan ng Oktobre. Sa huli, naglaan si Ar. Giles Sol ng Munisipyo ng Boac para ipaliwanag ang mga plano at pagbabago ng Boac Town Plaza na kasalukuyang ginawa sa bayan.
Ang kasunod na episode ng Webinar ay sa darating na Nobyembre 1, kasama si Engr. Edgardo Laririt ng Kabalikat Civicom na magpapatuloy ng talakay sa ginawa ni Myke Magalang sa muling pagsasariwa ng kabayanihan ng mga Katipuneros at lokal rebolusyonaryong nagtangka sa pagpapalaya.
Kaugnay nito, ilalahad naman ni Ar. Maynard Muhi at Ar. Roy Manrique ang mga pamanang gusali ng Marinduque State College at Marinduque National High School sa kabisera ng lalawigan.
Ang huling episode ay papadaluyin ng PUP Department of History sa Nobyembre 30 kasama ang mga sumusunod: Ainne Magalang, Dr. Randy Nobleza, Prof. Patrick Henry Manguera, Ar. Beda Magturo at Prof. Bryan Viray para sa Boac History and Culture Symposium.