Marami parin ang nananatili sa mga evacuation centers sa probinsya ng Romblon dahil sa patuloy na nararanasang sama ng panahon dahil kay Paeng.
Sa ulat ng Romblon Provincial Disaster Risk Reduction Office, may aabot sa 3669 na indibiwal ang kasalukuyang hindi pa nakakauwi sa kanilang mga pamamahay.
Pinakamarami ay sa bayan ng Banton na isa sa mga bayan na pinakamalapit sa dinaan ng track ng bagyo.
Nabigyan na ng ayuda ang mga inilikas ng kanya-kanyang mga lokal na pamahalaan.
Samantala, iniulat rin ng Romblon PDRRMO na may aabot rin sa 291 na mga indibidwal ang stranded rin sa mga pantalan ng Looc, San Agustin, at Romblon dahil parin sa masamang panahon.
Inaasahang babalik ang biyahe ng mga barko kapag tinanggal na ang tropical cyclone wind signal sa lalawigan.