Pumalo sa 2.9% ang naitalang inflation rate nitong nakaraang Setyembre 2022 sa probinsya ng ROmblon base sa datus na inilabas ng Philippine Statistics Authority – Romblon.
Ayon sa ahensya, mas mataas ito ng 0.4% kumpara sa 2.5% inflation rate noong Agosto 2022.
Bagamat nadagdagan ng bahagya ang inflation rate, makikitang mas mabagal ito kumpara sa 8.5% inflation rate na naitala noong Setyembre ng nakaraang taon.
Pinakamataas na naitalang nagmahalan ay commodity na may kinalaman sa furnishings, household equipment, and ruoutine hould maintenance na may 2.9% rate.
Pinakamababa namang nakitaang pagtaas ay ang may kaugnayan sa educational services na may 0.9% rate lamang.
Samantala, ang buong rehiyon ng Mimaropa ay nakapagtala ng 7.6% inflation rate noong nakaraang buwan, mas mataas ng 0.5% rate sa naitala noong Agosto.
Ang Pilipinas naman ay nakapagtala ng 6.9% inflation rate, mas mataas rin ng 0.6% sa naitala noong Agosto 2022.