Maliban sa mga sementero, binabantayan rin ng mga pulis ngayon sa bayan ng Ferrol, Romblon ang mga pasyalan na posibleng dayuhin ngayong long weekend at UNDAS.
Sa press briefing ng Romblon Police Provincial Office noong Biyernes, sinabi ni Ferrol Deputy Chief of Police PEMS Rhoel Fabello na nakahanda rin ang kanilang mga tropa na nakabantay sa mga beaches.
“Naka-prepare naman po ‘yung mga kasama nating pulis, everyday, kung sakaling may pumunta na mga tourists ay nandoon mga pulis natin at nagse-secure. Police assistance,” pahayag ni Fabello.
“Para kung may sakaling problema ay may malalapitan agad sila,” dagdag pa nito.
Sa ulat ni Fabello, ang bayan ng Ferrol sa buong buwan ng Oktubre ay nakapagtala ng zero crime incidents pagdating sa physical injury, rape, robbery, theft, murder, homicide, motor/carnapping, maging sa mga non-index crime.
Dahil sa datus na ito, tiwala umano sila na magiging ligtas ang mga turista na bibista sa bayan ngayong UNDAS.